Saturday, September 24, 2016

Kung Sinabi Mo

Kung sinabi mo lang na iyon na ang huli
Sana ay mas hinigpitan ko pa ang aking kapit
Bisig mo'y hindi na pinakawalan
Mukha mo'y mas matagal pang tititigan
Kung sinabi mo lang na gusto mo nang umalis
Sana ay ginawa ko lahat ng iyong nais
Walang paki kung hindi ko alam
Ang mahalaga ay mas nanaisin mong manatili
Kung sinabi mo lang na lalayo ka na
Sana ay naihanda na ang aking sarili
Sa pagtakbo ng malayo hindi para humabol
Kundi para mauna nang lumayo
Kung sinabi mo lang na aalis ka
Sana ay napaghandaan ko ang iyong paalam
Iguguhit ang iyong mukha sa papel
Para hindi malimutan
Kung sinabi mo lang na nais mong maging malaya
Sana ay naibigay ko sayo ang hinahangad mo
Hindi ko naman ipipilit sayo ang sarili
Ayokong mahirapan ka
Kung sinabi mo lang na gusto mo siya
Sana ay naunawan kita agad
Mas naintidihan ko ang iyong asal
Handa akong ibigay ka sa kanya
Kung sinabi mo lang na wala lang sayo ang lahat
Sana ay hindi na ako naniwala
Hindi na sana ako umasa
Hindi na sana ako nangarap ng bukas
Kung sinabi mo lang na hindi mo ako minahal
Sana ay hindi binigay sayo ang aking puso
Hindi na sana ito nadurog.

-Katy O.

Friday, July 22, 2016

Sa Katahimikan Natagpuan ang Paalam

Hindi ko alam kung saan uumpisahan
Ang Paalam na nag-wakas
Sa dulo ba kung saan nawala ang lahat?
O sa umpisa kung saan natagpuan ang ikaw?
Marahil ay dapat sa panahong ang ingay mo
Ang siyang bumabalot sa paligid ko
Ngunit paano kung hanggang ngayon
Ay ito pa rin ang naririnig ko
Hindi. Mali. Imahinasyon lang ang lahat
Dahil ang tanging natirang tunog ay galing sa kawalan
Sa paligid kung saan dati ay nanatili ka
Sa espasyo kung saan ikaw ay nawala
Pero ang totoo ay pinili nating huwag magsalita
Mas pinili nating huwag magkibuan
Na tila ba ay naiintindihan ang bawat galaw
Kahit ni isang letra ay walang naibigkas
Naalala ko noong isang beses akong pumunta sa inyo
Pinigilan mo akong hugasan ang pinggan sa lababo
Kasi sabi mo ayon sa kasabihan ay maaaring hindi na ako makabalik pa
Kaya’t hinyaan at pinagmasdan na lamang kita
(hinugasan ko ang tasang pinaginuman mo ng kape
Hindi mo ako pinigilan)
Hindi ako bulag para hindi mapansin
Na sa tuwing ako’y lalapit ika’y umaalis
Na para bang may boltahe sa aking mga palad
Na makukuryente ka kapag aking mahawakan
Noong nakita kong napapagod ka na
Isinandal ko ang ulo mo sa aking balikat
Pero ikaw ay bumangon at tumakbo
Na parang natusok ng libu-libong karayom
Kaya’t heto ako, isinara ang bibig
Pilit ibinabaling sa paligid ang tingin
Isang talata sa libro, sampung beses ng binabasa
Hanggang ngayon ay hindi pa rin maunawaan
At tulad din ng lahat ng paglalakbay
Sa dulo rin tayo maghihiwalay
Hindi ko malilimutan ang iyong mga tingin
Kaway at ngiti lamang ang aking naisukli
Kaparehas ng pagindak at pagsayaw
Alam nating ang kanta ay patapos na
Pinili mong lumisan ng walang pasabi
Pinili kong tumahimik at hindi mangulit
Ngayon katahimakan ang kumain sa paligid
Ang tinig mo’y hindi na narinig
Hindi ko kukwestyunin ang iyong pagalis
Hindi ko hihintayin ang iyong pagbalik
Sa katahimikan aking natagpuan ang iyong paalam
Pilit pinipigilan ang sarili na ikaw ay sigawan
Bubuksan ang iyong laman at isisiksik ang aking katawan
Pero hindi. Tama na. hanggang dito na lang.  
At tutal mas pinili narin natin ang katahimikan

Sana ay sa katahimikan natin matagpuan ang tunay na kaligayahan

                          -Katy O.

Monday, July 18, 2016

Noon at Ngayon

Bakit ngayon lang
Bakit kung kailan hindi ko na kayang maniwala
Bakit kung kailan hindi ko na kayang magtiwala

Bakit ngayon pa
Bakit kung kailan nasanay na akong masaktan
Bakit kung kailan natutunan ko ng lumigaya

Bakit hindi noon
Noong ang salita mo ang nagpapaikot sa aking mundo
Noong hawak ng iyong mga mata ang aking pagkato

Bakit hindi dati
Dating mabubuo na ang araw masulyapan lang ang iyong ngiti
Dating kahit masakit din ay kahit papaano ay kayang kong sabihing 'okay lang, mahal naman kita.'

-Katy O.

Tuesday, July 5, 2016

Bibitawan Na Kita

Patawad sinta.
Patawad dahil ngayon ay susuko na ako.
Patawad dahil ititigil ko na ang aking kahibangan.
Akala ko ay kakayanin kong magtiis.
Akala ko ay malalagpasan ko rin lahat ng sakit.
Pero ang hirap pala kapag ako lang ang nagmamahal.
Ang hirap dahil ako rin lang ang nasasaktan.
Kaya gagawin ko lang ang dapat.
Hahanapin ko ang lunas
Bibitawan na kita.

Oo, natatandaan kong ilang ulit mo nang sinabing huwag akong umasa.
Subalit paano ko mapipigilan kung sa tuwing gabi boses mo ang aking naririnig?
Paano ko pahihintuin ang damdamin ko kung ang mga yapos at hagkan mo ang parati kong nadarama?
Hindi ko alam kung malinaw ba sayo ang lahat. Pero sa akin, malinaw.
 Naiintindihan ko naman an gating magulong sitwasyon.
Alam kong walang patutunguhan to.
Pero eto ako si tanga, nagbabakasakaling bukas, pagmulat ng iyong mga mata, maramdaman mong ako dapat ang laman ng puso mo.

Tangina. Nakakatawa rin palang umasa.
Kaya sinta, patawarin mo ako.
Dahil kahit gustong gusto ko pang kumapit.
Bibitawan na kita.




-Katy O.



Sunday, June 26, 2016

Isusulat Kita

Isusulat kita
At gagamit ako ng isang libong salita
Haggang sa maubos ko lahat ng maaaring maihalintulad sayo.

Isusulat kita
At gagamit ako ng salitang hindi ko maintindihan
Tulad ng hirap ko sa paguunawa sa iyo.

Isusulat kita
At maaari bang isulat mo din ako

Para sa wakas ay malaman ko ang silbi ko sayo.


                                                -Katy O.

Thursday, June 16, 2016

Someday

Someday,

I will learn to ignore your calls

even though I’d love to hear your voice.


Someday,

I will learn to forget your eyes

even though the universe is in that site.


Someday,

I will learn to forget the touch of your lips

even though it marks each time we kiss.


Someday,

I will learn to unlove you

even though I still don’t know how to. 



-Katy O

Monday, May 30, 2016

Liham ng Isang Tanga

Noong una kong hinain sa’yo ang aking buong pagkataong puno ng alinlangan, ngiti at tawa lamang ang iyong nakita. Noong iladlad ko sa’yo ang aking kahinaan, pagpikit lamang ang iyong ginawa. Siguro ay nababalot na ako ng napakaraming telang pinagpatong-patong kaya’t hindi mo ako makita. Hindi mo makita ang totoong ako. Hindi mo makita ang nararamdaman ko. Hindi mo magawang makita lahat ng pagsisikap na ginagawa ko para lang makalimutan mo siya.

Oo, ako si tanga, na pumayag na ibigay sa’yo ang buong-buong ako kahit alam kong hindi mo maibibigay sa akin ang buong-buong ikaw. Hindi mo magawa dahil ang malaki mong parte ay hawak parin ng iba. Ang parteng kahit yun lang ay sapat na para sa akin pero hawak parin niya. Ang parteng maaari ng bumuhay sa akin pero hindi mo magawang kunin sa kanya dahil kahit ayaw mong aminin alam kong mahal mo parin siya. Mahal mo parin kaya’t hanggang ngayon umaasa ka na baka may pagasa pa.

Kaya ako na naman itong si tangang umaasa na sa bawat haplos ko’y malilimutan mo ang mga sandaling ang kanyang palad ay humahagod sa iyong balat. Umaasa ako na sana sapat na aking mga yakap, na hindi mo na hahangarin ang mga yapos ng iba. Sa tuwing nararamdaman ko ang mainit mong katawan, iniisip kong sana ay para sa akin ka lamang nag-iinit dahil hindi ko naiisin ang iba pang temperatura. Dahil ayoko ng lamig. Dahil ayoko ng panlalamig. Dahil ayoko ng panlalamig mula sa’yo. Dahil ayokong mapawi ang naglalagablab kong damdamin. Dahil ayokong maging sin-tigas at sin-lamig ng yelo ang aking puso na maaaring matunaw at tuluyang mawalan ng saysay.

Maunawaan mo sana na ang hinahangad ko ngayon ay maglaho lahat ng lungkot at pighati na nararamdaman mo. Kapit at yakap ay aking hinihigpitan upang maramdaman mo, upang marinig mo, upang sa unang pagkakataon ay masilayan mo ang puso kong nagdurugo. Nadudurog. Wasak. Pero ayos lang. Masokista ako. Okay lang na pauli-ulit akong masaktan. Okay lang na sa tuwing sasapit ang gabi, luha ko ay kusang kumakawala sa aking mga mata dahil alam kong siya ang iniisip mo bago ka pumikit. Ayos lang. Okay lang. Okay lang. Ayos lang. Wag ka lang masaktan.

Pero bigo ako sa tangi kong misyon dahil hindi ko maibibigay sayo ang ligaya mo. Dahil hindi ko kayang ibigay sayo. Dahil hindi ko gustong ibigay sayo. Siguro ay madamot ako. Siguro ay makasarili ako. Pero paano ko ihahandog sayo ang kaligayahan mo kung ang kahulugan nito ay ang pagkalaho ko sa buhay mo? Ang kahulugan nito ay ang pagbabalik niya sa tronong akala ko ay naangkin ko na. Tronong aking inalagaan dahil wala na akong nanaisin pang ibang lugar kung hindi sa tabi mo.

Kaya nandito na naman ako at magpapaka-tanga. Susubukan lahat ng paraan. Sisikaping mapasaakin ang kanyang pagmamay-ari. Hindi ko alam kung gaano katagal. Hindi ko alam kung hanggang saan aabot. Hindi ko alam kung posible pa ba. Pero mahal, bukas sa pagmulat ng iyong mga mata, sana ako naman ang pumasok sa isipan mo.


-Katy O.

Wednesday, May 25, 2016

To the Person I Hypothetically Left

To the person I hypothetically left:


I don’t know if ‘leaving you’ is the correct phrase to describe what I did, but what I am sure about is that it is the best thing I might have done. If blocking you on facebook, twitter, instagram, and viber is considered a ‘break-up’, then so be it. But oh boy! It was never easy.

You have no idea how much I wanted to click that little unblock button. You have no idea how much I still visit your pages through a different account. You have no idea how often I think of you when my phone vibrates even though your number is already on the automatic reject list.


We might have not seen each other yet, and we might never be, but just to give you a little glimpse of my mind, I am still hoping that someday I can have a peek of your surface. And yes, I would still love to see your soul but in this current situation, it is a mission impossible. Your facade is enough, for now.


Up until now, I still look at your pictures, and admire the wrinkles around your eyes. No, you’re not old but I craved to know the story behind those folds. I wonder if happy thoughts have caused it or not. If it is caused by happy thoughts, what or who could be the reason? And if it is not, then let me know because I could slay dragons for you if you would let me, if you would let me in your world, if you would let me see you underneath those layers.

But in the end, we knew what we were. You made your expectations clear from the beginning, and I agreed to that half-heartedly. Please understand that I am leaving you not because of what you cannot give me, but because of what I cannot give you. I cannot give you myself without also handing you my heart. It is package, an all or nothing deal, and I know that my heart has no place in you. I’ve been through that shady road before. Past ‘relationships’ gave me trauma and paranoia. I don’t want to be devastated again, so parting ways with you might have been the best decision. It is a decision that shatters my optimistic hopes and dreams of us together, but also a decision that will save me.


So this is my goodbye, the goodbye I never said. I hope someday I could see the universe in your eyes, but for now, goodbye.
 



-Katy O.